Gabay sa pagluluto

Paano magluto ng bigas

01

Puting bigas

Pagluluto sa rice cooker

  1. Hugasan ang puting bigas sa malamig na tubig
  2. Maglagay ng 1 tasa ng bigas sa lalagyan ng rice cooker
  3. Magdagdag ng 1 ½ tasa ng tubig
  4. Simulan ang pagluluto. Kapag luto na ang kanin, lilipat ang rice cooker sa “keep warm”, makalipas ang humigit-kumulang 15 minuto. Panatilihing nakasara ang takip at hayaang magpahinga ang kanin nang 5 minuto bago ihain

Pagluluto sa kalan

  1. Hugasan ang puting bigas sa malamig na tubig
  2. Maglagay ng 1 tasa ng bigas sa kaserola
  3. Magdagdag ng 1 ½ tasa ng tubig at pakuluin
  4. Hinaan ang apoy, takpan at lutuin nang 15 minuto
  5. Alisin sa kalan at hayaang nakatakip nang 5 minuto
02

Brown rice

Mga tip sa pagluluto ng bigas

  1. Huwag buksan ang takip o haluin habang nagluluto
  2. Hayaang magpahinga ang kanin pagkatapos maluto upang masipsip ang natitirang tubig

Pagluluto sa rice cooker

  1. Hugasan ang brown rice sa malamig na tubig
  2. Maglagay ng 1 tasa ng bigas sa lalagyan ng rice cooker
  3. Magdagdag ng 2 tasa ng tubig
  4. Simulan ang pagluluto. Kapag luto na ang kanin, lilipat ang rice cooker sa “keep warm”, makalipas ang humigit-kumulang 25 minuto. Panatilihing nakasara ang takip at hayaang magpahinga ang kanin nang 5 minuto bago ihain.
  5. Maaaring mag-iba ang mga tagubilin depende sa uri ng rice cooker. Tingnan ang manwal nito para sa tiyak na mga tagubilin.

Pagluluto sa kalan

  1. Hugasan ang brown rice sa malamig na tubig
  2. Maglagay ng 1 tasa ng bigas sa kaserola
  3. Magdagdag ng 2 tasa ng tubig at pakuluin
  4. Hinaan ang apoy, takpan at lutuin nang 25 minuto
  5. Alisin sa kalan at hayaang nakatakip nang 5 minuto
03

Bigas para sa sushi

Mga tip sa pagluluto ng bigas

  1. Huwag buksan ang takip o haluin habang nagluluto
  2. Hayaang magpahinga ang kanin pagkatapos maluto upang masipsip ang natitirang tubig

Pagluluto sa rice cooker

  1. Hugasan ang bigas sa malamig na tubig
  2. Maglagay ng 1 tasa ng bigas sa lalagyan ng rice cooker
  3. Magdagdag ng 1 ½ tasa ng tubig
  4. Simulan ang rice cooker. Kapag luto na ang kanin, lilipat ito sa “keep warm”, makalipas ang humigit-kumulang 15 minuto. Alisin ang lalagyan at hayaang lumamig ang kanin nang 10 minuto
  5. Ilipat ang kanin sa mangkok na salamin o kahoy at dahan-dahang ihalo gamit ang kahoy na sandok ang 3 kutsarang suka, 2 kutsarang pinulbos na asukal at ½ kutsaritang asin
  6. Palamigin ang kanin bago gumawa ng paborito ninyong sushi
  7. Maaaring mag-iba ang mga tagubilin depende sa uri ng rice cooker. Tingnan ang manwal nito para sa tiyak na mga tagubilin.

Pagluluto sa kalan

  1. Hugasan ang bigas sa malamig na tubig
  2. Maglagay ng 1 tasa ng bigas sa kaserola
  3. Magdagdag ng 1 ½ tasa ng tubig at pakuluin
  4. Hinaan ang apoy, takpan at lutuin nang 15 minuto
  5. Alisin sa kalan at hayaang nakatakip nang 5 minuto
  6. Ilipat ang kanin sa mangkok na salamin o kahoy at dahan-dahang ihalo gamit ang kahoy na sandok ang 3 kutsarang suka, 2 kutsarang pinulbos na asukal at ½ kutsaritang asin
  7. Palamigin ang kanin bago gumawa ng paborito ninyong sushi